About Me

My photo
Ala-ala ang itawag niyo sa'kin. Sapagkat ang lahat ng mailalathala sa blog na ito ay naiukit na sa kasaysayan. Kabilang na sa mga pahina ng aking buhay. At bahagi na lamang ng aking gunita.

Saturday, December 17, 2011

Sulat*

Mahal,

Mahal kita. At sa lahat-lahat ng mga pagkakataong sinaktan mo ako, pinatawad kita. Maging sa mga pagkakatong itatakda ng panahon na muli mo akong masasaktan, patatawarin pa rin kita.

Mahal kita. Ikaw na nga sana ang makakasama ko sa tagumpay. Ngunit habang hindi pa dumarating ang pagkakataong iyon, pangako, kasama mo akong mamamangka sa lawak ng karagatan, sa paglipad sa mapayang himpapawid. at sa pagharap sa pagsubok ng buhay sa landas ng tagumpay.

Mahal kita. Salamat at ako ang inspirasyon mo; sa pagkilos, gawain, at sa pagharap sa mga kontradiksyon mo sa buhay. Tandaan mo, hindi ako ang mapagpasya sa iyong sarili. Ako'y external forces lamang na magtutulak sa'yo sa tamang landas sa pagharap sa lipunang nais nating galawan. Gayun pa man, sana 'y lagi mo akong kasama sa iyong pagpapasya.

Mahal kita. Nung itinali mo ang iyong sarili sa'ken, totoo, nahirapan ako. Dahil alam kong hindi ko kakayanin. Paumanhin sa aking aktitud, ngunit ito'y dala ng hindi ko pagunawa sa paulit-ulit na pagpapayo't pamumuna na hindi naiwawasto. Nung itinali mo ang sarili mo sa'ken, malaking parte ng buhay ko ang inilaan ko na sa iyo para itama ang mga mali na sabi mo'y ako ang magsasabi sa'yo.

Mahal kita. Mahal na mahal. Sa huli, nais kong sabihin sa'yo ng buong giliw ang pangungulila ko sa iyong 'yakap'. Nais kong ipagsigawan ng walang alinlangan na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko. Nais kong gumalaw sa mundong ito, ng payapa, habang nakikidigma sa husga ng lipunan. At sa lahat ng ito, sana'y ganito ka rin sa akin.

Mahal, mahal na mahal kita. Huwag sanang paasa lang ang lahat at iiwan ako sa gitna ng ulan. Mahal, may tilawa ako sa'yo. Ayokong dumating ang panahon na tatanungin ko ang aking sarili, kung nasaan ka na ba mahal ko.

Isang mahigpit na yakap para sa'yo,
Ang iyong karelasyon. ♥

*unang obra. unang nailathala noong Dec. 05, 2011