About Me

My photo
Ala-ala ang itawag niyo sa'kin. Sapagkat ang lahat ng mailalathala sa blog na ito ay naiukit na sa kasaysayan. Kabilang na sa mga pahina ng aking buhay. At bahagi na lamang ng aking gunita.

Monday, March 5, 2012

030612

Isang buwan at anim na araw na rin pala mula nang malipat ako sa ibang organisasyon. Hindi ko na namalayan.

Magli-limang taon na rin mula ng maging aktibo ako sa grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Ang pinakamalawak at pinakamatandang alyansa ng mga mamamahayag pang-kampus sa bansa (at sa Asia-pacific).

Naaalala ko pa, Marso din noon ng simula akong manirahan sa staphaus ng Guild na kung tawagin ay Bahay ni Lola (BL). Doon ko unang nakasama at nakilala sina Vijae, Alvin Peters, Enteng, G5, Jose, Abi, Rheyne, Kebkeb, Weng, Pher, Trina, Parse atbp (na hindi ko na maalala kung sa BL ko ba unang nakilala).

Noon ko natutunan ang simpleng pamumuhay. Noon ko naranasan ang tinatawag na collective life/living. Yung tipong, kapag kumain ang isa, kakain ang lahat. Kung walang sentralisadong pagkain, patak-patak ng pambili, kahit pa masaid ang mga personal na panggastos para sa kinabukasan, basta ang mahalaga, makakain kaming lahat para sa araw na iyon. At yung pang kinabukasan, kanya-kanyang lakad ng maaga para makadiskarte ng agahan, tanghalian at pamasahe sa mga kailangang puntahan/tugunan na gawain. At pag-uwi, kailangan may diskarteng pagkain o pambili ng pagkain para sa lahat ng mga kasama sa BL.

Noon ko naunawaan ang salitang sakripisyo kasama ang CEGP (/NUSP) pips.

Kasama ang CEGP, natutunan ang mag-ayos ng sarili (kahit hindi halata), maglinis, magsipag, tumulong, makibagay, mabuting pakikitungo at kung anu-ano pang kabutihang-loob. Siyempre, sa kanila ko rin natutunan ang mandaot (hahaha).

Kasama sina Meloi, Inday at Nida, tinagurian kaming mga Gremlins. Noong narinig ko ang salitang gremlins, hindi ko talaga alam kung ano yun sa tagalog o sa literal nitong pakahulugan. Siyempre ngayon, alam ko na J.

Sa buong panahon ng pagkilos ko sa CEGP, maraming bagay ang natutunan ko. At sa tagal ko sa guild, doon na ako nag-matured bilang tao. Sa dami ng katangahan ko sa buhay, ang CEGP ang nagpaunawa sa akin na kailangan kong pangibabawan ang mga iyon nang hindi nagiging emosyonal. Politics in command ika nga, diba G5? J

Kaya naman, ngayong nasa Student Christian Movement of the Philippines na ako, nais kong pasalamatan ang lahat ng umagapay sa akin sa “landas” na ito, higit lalo sa CEGP. Naalala ko tuloy ang kwentuhan namin ni Meloi noong unang buwan lamang ng taon. Sabi ko sa kanya, ayoko na sanang lumipat ng ibang org bago pa ako chumorva. Ang biruan pa naming, kung malilipat ako/kami, LL mode na agad. Hehe…

Kaya naman, hindi ko talaga mawari na isang buwan at anim na araw na pala ako rito sa bagong organissasyon na aking kinikilusan. Gayunpaman, huwag silang (SCMP) mag-alala. Tatanganan ko ang lahat ng aral na itinuro sa akin ng itinuring kong pamilya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin itong salaysay na ito. Basta ang alam ko, hindi ito sentimyento ko lamang. Natuwa lang ako, na sa haba ng panahong ikinilos ko, bagamat humaharap sa napakaraming kontradiksyon, andito pa rin ako. J

Iyon lamang. Ie-edit ko siguro ito kapag sinipag ulit ako. Antok na kasi ako ee. J

Zzz… (^_^)

Saturday, December 17, 2011

Sulat*

Mahal,

Mahal kita. At sa lahat-lahat ng mga pagkakataong sinaktan mo ako, pinatawad kita. Maging sa mga pagkakatong itatakda ng panahon na muli mo akong masasaktan, patatawarin pa rin kita.

Mahal kita. Ikaw na nga sana ang makakasama ko sa tagumpay. Ngunit habang hindi pa dumarating ang pagkakataong iyon, pangako, kasama mo akong mamamangka sa lawak ng karagatan, sa paglipad sa mapayang himpapawid. at sa pagharap sa pagsubok ng buhay sa landas ng tagumpay.

Mahal kita. Salamat at ako ang inspirasyon mo; sa pagkilos, gawain, at sa pagharap sa mga kontradiksyon mo sa buhay. Tandaan mo, hindi ako ang mapagpasya sa iyong sarili. Ako'y external forces lamang na magtutulak sa'yo sa tamang landas sa pagharap sa lipunang nais nating galawan. Gayun pa man, sana 'y lagi mo akong kasama sa iyong pagpapasya.

Mahal kita. Nung itinali mo ang iyong sarili sa'ken, totoo, nahirapan ako. Dahil alam kong hindi ko kakayanin. Paumanhin sa aking aktitud, ngunit ito'y dala ng hindi ko pagunawa sa paulit-ulit na pagpapayo't pamumuna na hindi naiwawasto. Nung itinali mo ang sarili mo sa'ken, malaking parte ng buhay ko ang inilaan ko na sa iyo para itama ang mga mali na sabi mo'y ako ang magsasabi sa'yo.

Mahal kita. Mahal na mahal. Sa huli, nais kong sabihin sa'yo ng buong giliw ang pangungulila ko sa iyong 'yakap'. Nais kong ipagsigawan ng walang alinlangan na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko. Nais kong gumalaw sa mundong ito, ng payapa, habang nakikidigma sa husga ng lipunan. At sa lahat ng ito, sana'y ganito ka rin sa akin.

Mahal, mahal na mahal kita. Huwag sanang paasa lang ang lahat at iiwan ako sa gitna ng ulan. Mahal, may tilawa ako sa'yo. Ayokong dumating ang panahon na tatanungin ko ang aking sarili, kung nasaan ka na ba mahal ko.

Isang mahigpit na yakap para sa'yo,
Ang iyong karelasyon. ♥

*unang obra. unang nailathala noong Dec. 05, 2011

Sunday, November 27, 2011

YAKAP by Curse One

Lyrics of Yakap (Curse One and Vlync) – Breezy Boyz

Sobrang saya ang nadarama
Sa tuwing kasama kita mundo ay nag-iiba
Sana ay di kana malayo sa piling ko
Pagkat ikaw lang ang tibok nang puso ko,yan ang totoo
Kahit minsan inaaway mo ako at madalas ka pang magtampo
Ikaw pa rin naman,di kana papalitan pa nang iba
Kaya pwede bang wag ka nang mag-alala di ako mawawala sayo
Pagkat ikaw ay sakin lang at sayo lang ako..

Chorus:

Ikaw lang at ako sa ating mundo
Ang YAKAP mo ang syang nagbibigay nang lakas sakin
Sige iyong sabihin na mahal na mahal mo rin ako
Pagkat ganun ang nadarama ko sa YAKAP mo…

2nd Verse:

Sayong ganda,O sayong ganda
Sa kislap nang iyong mata,ligaya nadarama
Ikaw lang ang nag-iisang mahalaga sa puso ko
Salamat dahil tayong dalawa ay pinagtagpo,yan ang totoo
Kahit na lagi o minsan mong inaasar,palagi akong nagtatampo (nagtatampo)
Lahat ay mawawala sa pamamagitan nang YAKAP mo…

Repeat Chorus

Coda:

Ohhh,sa YAKAP mo nakalimutan ko ang lahat na mga pangit na nakaraan.
Ohhh,sa YAKAP mo biglang bumuhos ang pag-ibig,biglang umawit ang mga anghel sa paligid ko.
Dahil sa YAKAP mo 4x

Repeat Chorus 2x



Listen to Songs: http://videokeman.com/breezy-boyz/yakap-curse-one-and-vlync-breezy-boyz/#ixzz1euReECDW

Stress?

Ayoko ng ganito.

'Yung may sakit.

Dala marahil ito ng ilang araw na pagpupuyat. Kasi naman, ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil sa pagtatapos ng press release, press statement, news release, edit, edit. Magtitiyak kung natapos ni ganito ang ganito, kung narelease ang ganito ni ganito, kung napost ni ganito 'yung ganito. Haist!

Bakit ba naman kasi ako napabilang sa propaganda committee?

Pero masaya naman 'tong ganitong gawain, lalo na kung may output. Wala nga lang pahinga. Tama ba?

Anyway, back to the topic.

Nagsimula 'tong masamang pakiramdam ko 'nung nananakit 'yung ulo ko, mga ilang araw na rin ang nakalipas. Tapos bigla-bigla may sipon na ako. Haist! Runny nose pa naman. Mungkahi sa'kin, uminom daw ako ng maraming-maraming tubig. Ginagawa ko naman, kaya lang ihi naman ako ng ihi.

Sabi nila stress lang daw 'to. Stress nga ba?

YAKAP by Curse One

Lyrics of Yakap (Curse One and Vlync) – Breezy Boyz

Sobrang saya ang nadarama
Sa tuwing kasama kita mundo ay nag-iiba
Sana ay di kana malayo sa piling ko
Pagkat ikaw lang ang tibok nang puso ko,yan ang totoo
Kahit minsan inaaway mo ako at madalas ka pang magtampo
Ikaw pa rin naman,di kana papalitan pa nang iba
Kaya pwede bang wag ka nang mag-alala di ako mawawala sayo
Pagkat ikaw ay sakin lang at sayo lang ako..

Chorus:

Ikaw lang at ako sa ating mundo
Ang YAKAP mo ang syang nagbibigay nang lakas sakin
Sige iyong sabihin na mahal na mahal mo rin ako
Pagkat ganun ang nadarama ko sa YAKAP mo…

2nd Verse:

Sayong ganda,O sayong ganda
Sa kislap nang iyong mata,ligaya nadarama
Ikaw lang ang nag-iisang mahalaga sa puso ko
Salamat dahil tayong dalawa ay pinagtagpo,yan ang totoo
Kahit na lagi o minsan mong inaasar,palagi akong nagtatampo (nagtatampo)
Lahat ay mawawala sa pamamagitan nang YAKAP mo…

Repeat Chorus

Coda:

Ohhh,sa YAKAP mo nakalimutan ko ang lahat na mga pangit na nakaraan.
Ohhh,sa YAKAP mo biglang bumuhos ang pag-ibig,biglang umawit ang mga anghel sa paligid ko.
Dahil sa YAKAP mo 4x

Repeat Chorus 2x



Listen to Songs: http://videokeman.com/breezy-boyz/yakap-curse-one-and-vlync-breezy-boyz/#ixzz1euReECDW

Sunday, November 7, 2010

ISTORYA

Ito na marahil ang daluyan ko ng aking personal na pananaw sa buhay.
Pinilit kong gawan ang sarili ko ng pahina sa mundo ng blogspot, upang magsalita ang aking titik na bubuo ng mga kataga.