About Me

My photo
Ala-ala ang itawag niyo sa'kin. Sapagkat ang lahat ng mailalathala sa blog na ito ay naiukit na sa kasaysayan. Kabilang na sa mga pahina ng aking buhay. At bahagi na lamang ng aking gunita.

Monday, March 5, 2012

030612

Isang buwan at anim na araw na rin pala mula nang malipat ako sa ibang organisasyon. Hindi ko na namalayan.

Magli-limang taon na rin mula ng maging aktibo ako sa grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Ang pinakamalawak at pinakamatandang alyansa ng mga mamamahayag pang-kampus sa bansa (at sa Asia-pacific).

Naaalala ko pa, Marso din noon ng simula akong manirahan sa staphaus ng Guild na kung tawagin ay Bahay ni Lola (BL). Doon ko unang nakasama at nakilala sina Vijae, Alvin Peters, Enteng, G5, Jose, Abi, Rheyne, Kebkeb, Weng, Pher, Trina, Parse atbp (na hindi ko na maalala kung sa BL ko ba unang nakilala).

Noon ko natutunan ang simpleng pamumuhay. Noon ko naranasan ang tinatawag na collective life/living. Yung tipong, kapag kumain ang isa, kakain ang lahat. Kung walang sentralisadong pagkain, patak-patak ng pambili, kahit pa masaid ang mga personal na panggastos para sa kinabukasan, basta ang mahalaga, makakain kaming lahat para sa araw na iyon. At yung pang kinabukasan, kanya-kanyang lakad ng maaga para makadiskarte ng agahan, tanghalian at pamasahe sa mga kailangang puntahan/tugunan na gawain. At pag-uwi, kailangan may diskarteng pagkain o pambili ng pagkain para sa lahat ng mga kasama sa BL.

Noon ko naunawaan ang salitang sakripisyo kasama ang CEGP (/NUSP) pips.

Kasama ang CEGP, natutunan ang mag-ayos ng sarili (kahit hindi halata), maglinis, magsipag, tumulong, makibagay, mabuting pakikitungo at kung anu-ano pang kabutihang-loob. Siyempre, sa kanila ko rin natutunan ang mandaot (hahaha).

Kasama sina Meloi, Inday at Nida, tinagurian kaming mga Gremlins. Noong narinig ko ang salitang gremlins, hindi ko talaga alam kung ano yun sa tagalog o sa literal nitong pakahulugan. Siyempre ngayon, alam ko na J.

Sa buong panahon ng pagkilos ko sa CEGP, maraming bagay ang natutunan ko. At sa tagal ko sa guild, doon na ako nag-matured bilang tao. Sa dami ng katangahan ko sa buhay, ang CEGP ang nagpaunawa sa akin na kailangan kong pangibabawan ang mga iyon nang hindi nagiging emosyonal. Politics in command ika nga, diba G5? J

Kaya naman, ngayong nasa Student Christian Movement of the Philippines na ako, nais kong pasalamatan ang lahat ng umagapay sa akin sa “landas” na ito, higit lalo sa CEGP. Naalala ko tuloy ang kwentuhan namin ni Meloi noong unang buwan lamang ng taon. Sabi ko sa kanya, ayoko na sanang lumipat ng ibang org bago pa ako chumorva. Ang biruan pa naming, kung malilipat ako/kami, LL mode na agad. Hehe…

Kaya naman, hindi ko talaga mawari na isang buwan at anim na araw na pala ako rito sa bagong organissasyon na aking kinikilusan. Gayunpaman, huwag silang (SCMP) mag-alala. Tatanganan ko ang lahat ng aral na itinuro sa akin ng itinuring kong pamilya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin itong salaysay na ito. Basta ang alam ko, hindi ito sentimyento ko lamang. Natuwa lang ako, na sa haba ng panahong ikinilos ko, bagamat humaharap sa napakaraming kontradiksyon, andito pa rin ako. J

Iyon lamang. Ie-edit ko siguro ito kapag sinipag ulit ako. Antok na kasi ako ee. J

Zzz… (^_^)