Isang buwan at anim na araw na rin pala mula nang malipat ako sa ibang organisasyon. Hindi ko na namalayan.
Magli-limang taon na rin mula ng maging aktibo ako sa grupong College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Ang pinakamalawak at pinakamatandang alyansa ng mga mamamahayag pang-kampus sa bansa (at sa Asia-pacific).
Naaalala ko pa, Marso din
Kasama ang CEGP, natutunan ang mag-ayos ng sarili (kahit hindi halata), maglinis, magsipag, tumulong, makibagay, mabuting pakikitungo at kung anu-ano pang kabutihang-loob. Siyempre, sa kanila ko rin natutunan ang mandaot (hahaha).
Kasama sina Meloi, Inday at Nida, tinagurian kaming mga Gremlins. Noong narinig ko ang salitang gremlins, hindi ko talaga alam kung ano yun sa tagalog o sa literal nitong pakahulugan. Siyempre ngayon, alam ko na J.
Sa buong panahon ng pagkilos ko sa CEGP, maraming bagay ang natutunan ko. At sa tagal ko sa guild, doon na ako nag-matured bilang tao. Sa dami ng katangahan ko sa buhay, ang CEGP ang nagpaunawa sa akin na kailangan kong pangibabawan ang mga iyon nang hindi nagiging emosyonal. Politics in command ika nga, diba G5? J
Kaya naman, ngayong nasa Student Christian Movement of the
Kaya naman, hindi ko talaga mawari na isang buwan at anim na araw na pala ako rito sa bagong organissasyon na aking kinikilusan. Gayunpaman, huwag silang (SCMP) mag-alala. Tatanganan ko ang lahat ng aral na itinuro sa akin ng itinuring kong pamilya.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin itong salaysay na ito. Basta ang alam ko, hindi ito sentimyento ko lamang. Natuwa lang ako, na sa haba ng panahong ikinilos ko, bagamat humaharap sa napakaraming kontradiksyon, andito pa rin ako. J
Iyon lamang. Ie-edit ko siguro ito kapag sinipag ulit ako. Antok na kasi ako ee. J
Zzz… (^_^)
No comments:
Post a Comment